Sunday, February 15, 2009

Samo't Saring Pauso last Valentines

What's in this Valentines Day?

Pansin ko lang, hindi pa din nawawala sa uso ang red shirts kapag Valentines. Madami pa din akong couple na nakitang palakad lakad na parehong nakared. Anu ba naman kasi meron sa red? Naalala ko noon, sa isang seminar na inattendan ko, sabi nila, yung red color daw nagsistimulate sa mind upang magkaroon ka ng maximum retention sa isang bagay. so does it mean na sobrang natatakot kayo na mawala ang isa't isa kaya nagred kayo para mega maximum retention ka sa utak ng buddy mo? Naku teh! Baka marealize ng buddy mo at maretain sa kanya na hindi ka niya feel dahil mukha kang lampara pag nakared ka.

Pero kahit na madami ang nakared, nauso din last Valentines Day yung black ang white. Pauso kasi ng Clear™ yang Black Valentine sna yan eh... Pero infairview, quezon city, di hamak na mas ok naman yung naka black and white kesa terno kayong nakared... Ano kayo, sasayaw?

As usual, meron din yung mga mega bigay ng gahiganteng stuffed toy sa kanilang mga jowawers. Tama ba naman na ipabuhat yung stuffed toy sa girlfriend? In the end, makikita mo na yung lalake, carefree maglakad, walang bitbit pero yung girl, halos lumubog na sa stuffed toy at sa flowers... Buti sana kung bibigyan yung girl ng mga ganun after date di ba?

At isang malaking OMGWTFBBQSAUCE sa mga nauusong inflatable dogs with spring legs. Anu ba naman yang jologs na yan... Buti kung idedeflate muna, eh ang kaso naman tinatalian pa yung inflatable dog tsaka hihilain na parang buhay na aso... Wake up kapatid... Hindi yan tatahol.

At isa pa, sa LOVAPALOOZA, EMOs rule. Mas madami pa mga emo kesa sa mga lovers. Pramis!! Kaya nga hindi na lang ako pumasok sa loob...

Next year naman kaya? Ano mauuso? Balloon na hugis bird, tas de tali din?

1 comment: